Bagitong pulis inaresto sa pamamaril
MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang bagitong pulis matapos na masangkot sa pamamaril ng isang sibilyan na kanyang nakaaway sa Brgy. Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna ang nasakoteng suspek na si PO1 Mark Louie Castillejo, 26 anyos, nakatalaga sa Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), ng Sunlight Street, Brgy. Muzon ng lungsod na ito na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo
Bandang alas-10:30 ng gabi nang masakote si Castillejo matapos na ireklamo ng pamilya ng biktimang si Jack Acha, 27 anyos, binata, obrero, residente rin sa lugar. Lumilitaw sa imbestigasyon na nakabanggaan ni Castillejo ang nasabing sibilyan na binaril nito. Nakumpiska mula kay Castillejo ang isang cal. 9mm na may isang magazine at kargado ng 16 bala, isang PNP-ID at limang cartridge ng nasabing armas.
- Latest