^

Probinsiya

Minero pinasabog ang bungo ni kuya

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Minero pinasabog ang bungo ni kuya
Dead-on-the-spot dahil sa tama ng punglo sa ulo ang biktimang si Leo Mingoy Torres, ng nasabing barangay habang agad na naaresto at sinampahan ng kasong parricide ng mga pulis ang suspek na si Oriel Mingoy Torres, 38-anyos; kapwa minero ng Brgy. Cabangcalan.

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Sabog ang ulo ng isang 31-anyos na minero matapos barilin sa ulo ng nakatatandang kapatid makaraang magtalo sa kanilang bahay sa Brgy. Malubi, Aroroy, Masbate kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot dahil sa tama ng punglo sa ulo ang biktimang si Leo Mingoy Torres, ng nasabing barangay habang agad na naaresto at sinampahan ng kasong parricide ng mga pulis ang suspek na si Oriel Mingoy Torres, 38-anyos; kapwa minero ng Brgy. Cabangcalan.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon, nakita ng ilang saksi na sinugod ni Oriel ang nakababatang kapatid sa bahay nito at kinompronta sa hindi tama umanong hatian ng kanilang kinita sa pagmimina. Gayunman, sa gitna ng kanilang pagtatalo, biglang bumunot ng hindi malamang kalibre ng baril ang nakatatandang Torres at malapitang pinutukan sa ulo ang kapatid na agad bumulagta. Matapos ang pamamaril, tumakas ang kuya pero agad na naaresto ng mga rumespondeng pulis.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with