^

Probinsiya

Kagawad patay sa ambush

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Kagawad patay sa ambush
Naisugod pa sa paga­mutan ngunit idineklarang dead-on-arrival sanhi ng mga tinamong tama ng pung­lo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Barangay Rosary Heights 7 Kagawad Jainudin Ella Dimao, 28-anyos.
File Photo

MANILA, Philippines — Isang bagitong kagawad ng barangay ang nasawi matapos ambusin ng ‘di pa natutukoy na mga salarin habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Cotabato City, kamakalawa ng hapon.

Naisugod pa sa paga­mutan ngunit idineklarang dead-on-arrival sanhi ng mga tinamong tama ng pung­lo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Barangay Rosary Heights 7 Kagawad Jainudin Ella Dimao, 28-anyos.

Sa inisyal na report ng pulisya, pauwi na sana ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo nang sa isang bahagi sa Gonzalo Javier St., sa naturang lugar nang biglang lumitaw ang mga salarin at walang paglili­ming nirapido ng bala si Dimao hanggang sa mapatay.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaslang sa biktima habang sinisikap na makakuha ng CCTV footage mula sa mga bahay at establisyimento sa lugar para sa posibleng pagkilala sa mga salarin. (Joy Cantos)

vuukle comment

DEAD IN AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with