^

Probinsiya

Narco-colonel utas sa drug bust!

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Narco-colonel utas sa drug bust!
A handout of Police Regional Office 9 (PRO) shows the remains of slain police Superintendent Santiago Rapiz, who was killed by the Philippine National Police (PNP) Counter Intelligence Task Force (CITF) during a buy bust operation Monday night in Dipolog City, Zamboanga del Norte.
Roel Pareño

Nasa Ninja cops list ni Digong

MANILA, Philippines — Patay ang isang police colonel na sinasabing “Ninja cop” at nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos umanong kumasa sa kanyang mga kabaro sa PNP–Counter Intelligence Task Force (CITF) na nagsagawa ng drug bust operation sa Dipolog City, Zamboanga del Norte noong Lunes ng gabi.

Sa ulat ni PNP-CITF Commander P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., kinilala ang napatay na si P/Supt. Santiago Rapiz, logistic officer ng Zamboanga del Norte Provincial Police Office (PPO) na idineklarang dead-on-arrival sa Corazon Aquino Hospital sa Dipolog City.  

 Sa imbestigasyon, alas-7:40 ng gabi nang ikasa ng PNP-CITF sa pakikipag­koordinasyon sa PDEA at Police Regional Office (PRO) 9 ang buy-bust ope­ration laban kay Rapiz sa harapan ng Andres Bonifacio College gymnasium sa lungsod. Habang inaabot kay Rapiz ng posuer buyer ang P50,000 marked money kapalit ng droga ay nakahalata ang opisyal na undercover agent ang kanyang katransak­syon. Dahil dito, nagtatakbo siya at nagtangkang tumakas pero nakorner ng mga pulis. Sa halip na sumuko, bumunot ng baril ang opisyal at pinaputukan pa ang mga operatiba na nagbunsod sa shootout na tumagal ng ilang minuto na kanyang ikinabulagta.

Ayon kay Caramat, isi­na­gawa ng operasyon laban kay Rapiz matapos na mapasama ang pangalan nito sa listahan ng mga Ninja cops ni Pangulong Duterte. Nasamsam sa ope­rasyon ang isang mala­king transparent sachet ng hinihinalang shabu na nasa P50,000 ang halaga at cal. 45 pistol ng nasabing parak. 

 Kaugnay nito, inihayag ni Chief Supt. Emmanuel Luis Licup, regional director ng Police Regional Office (PRO) 9 na lehitimo ang isi­naga­wang operasyon ng PNP-CITF at PDEA na may kaukulang koordinasyon sa kanilang himpilan.

vuukle comment

DRUG WAR

NARCO-COLONEL KILLED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with