^

Probinsiya

Army Lt. dedo sa encounter, 1 pa sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Army Lt. dedo sa encounter, 1 pa sugatan
Kinilala ang nasawing opis­yal na si 2nd Lt. Jason Fre­derick Pasco, team leader ng Bravo Company ng Army’s 83rd Infantry Battalion (IB) samantalang isinugod sa Santa Maria Josefa Hospital Foundation sa Iriga City ang sugatang si Pfc. Reynaldo Aquino upang malapatan ng lunas.
File Photo

MANILA, Philippines — Nagbuwis ng buhay ang isang Army Lieutenant habang isa pang sundalo ang nasugatan makaraang makasagupa ng tropa ng militar ang grupo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na lugar sa Brgy. Mainit, Bato, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon.

 Kinilala ang nasawing opis­yal na si 2nd Lt. Jason Fre­derick Pasco, team leader ng Bravo Company ng Army’s 83rd Infantry Battalion (IB) samantalang isinugod sa Santa Maria Josefa Hospital Foundation sa  Iriga City ang sugatang si Pfc. Reynaldo Aquino upang malapatan ng lunas.

Sa inisyal na ulat ng 9th Infantry Division (ID) ng Phl Army, habang nagsasagawa ng combat operation ang Bravo Company na pinamumunuan ni Pasco sa Brgy. Mainit, Bato dakong alas-5:15 ng hapon nang masabat ang isang pulutong ng mga rebeldeng NPA.

Dahil dito, agad na nagkaroon ng mainitang bakbakan sa pagitan ng mag­kabilang panig kung saan sa kasagsagan ng putukan ay nasapol ng bala si Pasco. Ang palitan ng putok ay tumagal ng ilang minuto at pinaniniwalaang may mga sugatan din sa panig ng mga rebelde base sa mga bakas ng dugo na nakita sa lugar na kanilang dinaanan sa pagtakas.

vuukle comment

ARMY LIEUTENANT SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with