^

Probinsiya

2 ‘drug peddler’ utas sa shootout

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
2 �drug peddler� utas sa shootout
Sa ulat sa tanggapan ni Police Regional Director P/Chief Supt. Amador Corpus, isa sa dalawang suspek ang nakilala na si Jhosyl Clemente alias “Jocel”, isang drug surenderee.
File Photo

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines — Dalawang hinihinalang drug peddler ang napatay habang 9 pang katao ang naaresto sa ikinasang magkakahiwalay na drug bust operation ng Pampanga Provincial Police sa Brgy. Mawaque Maragul, Mabalacat City at ilang bayan sa lalawigan noong Biyernes.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Regional Director P/Chief Supt. Amador Corpus, isa sa dalawang suspek ang nakilala na si Jhosyl Clemente alias “Jocel”, isang drug surenderee.

Dakong alas-4:30 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation at isang pulis ang umaktong buyer ng shabu sa mga suspek na magkahiwalay na lulan ng dalawang motorsiklo. Nang magkaabutan ng droga at marked mo­ney, nakahalata umano ang dalawang suspek hanggang sa paputukan ang mga pulis subalit sumablay ito. Dito na nagkaroon ng barilan na ikinabulagta ng dalawa. Nasamsam sa lugar ang ilang plastic sachet ng  hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, dalawang cal 38 baril at dalawang motorsiklo ng mga suspek na walang plaka.

Samantala, nadakip sa drug bust operation sa mga bayan ng San Simon, Macabebe, Gua­gua, Arayat, Lubao at San Luis ang 9 drug ped­dlers na sina Joel Cruz Samia Sr., 43; Joel Tolentino Samia Jr, 22; Johnsen Calumag alias Busog, 18; Angelito Talosig alias “Tolits”, 43, at Amor Dabu alias “Moymoy”, 45; Allan Garcia, 39; Michael Morales, 18; John Drigs Dimalanta, 23, at Ruth Tagle-Macapinlac, 35.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with