^

Probinsiya

Trike vs bus: Rider, backrider lasog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Trike vs bus: Rider, backrider lasog
Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Kenny Custodio,19-an­yos, residente ng Brgy. Banadero at Jessa Mabilin, 22, ng Brgy. Anis­lag, habang sumuko sa mga pulis ang driver ng bus na si Roderick Betancur, 35-anyos, residente ng Ilang-Ilang Street, Lucena City.

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang rider at backrider nito matapos magbanggaan ang sinasakyan nilang motorsiklo at kasalubong na bus sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. Penafrancia sa bayan ng Daraga, lalawigang ito noong Sabado ng gabi.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Kenny Custodio,19-an­yos, residente ng Brgy. Banadero at Jessa Mabilin, 22, ng Brgy. Anis­lag, habang sumuko sa mga pulis ang driver ng bus na si Roderick Betancur, 35-anyos, residente ng Ilang-Ilang Street, Lucena City.

Sa ulat ni Sr. Inspector Mayvelle Gonzales, dakong alas-10 ng gabi, magkasalubong na bi­nabagtas ang highway ng motorsiklo ni Custodio na patungong Poblacion, Daraga at ng DLTB Bus (AQA-6759) na minamaneho ni Betancur na papuntang Sorsogon City nang magbanggaan sa gitna ng kalsada. Sa lakas ng banggaan, nadurog  ang motorsiklo kasama ang mga biktima na agad nilang ikinasawi.   

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with