^

Probinsiya

Kagawad niratrat sa basketball court

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Bumulagta ang isang 42-anyos na konsehal ng barangay o kagawad matapos na pagbabarilin ng tatlong ‘di nakilalang gunmen habang nanonood ng liga sa basketball court ng  Brgy. Lajong sa bayan ng Juban, Sorsogon noong Biyernes ng gabi.Dead-on-the-spot makaraang mapuruhan ng punglo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Kagawad Emmelio Escandor Guab, 42, residente ng nasabing lugar. Sa ulat, dakong alas-8 ng gabi, habang nanonood ng basketball tournament sa basketball court ng barangay nang lapitan ng mga suspek at bigla na lang siyang pinagbabaril.

Dahil dito, nagsigawan ang mga tao at nagkanya-kanyan silang takbo dahil sa sunod-sunod na putok lalo nang makitang duguang tumimbuwang ang biktima. Agad tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

CRIME

SHOOTINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with