^

Probinsiya

Motor vs trak: 1 tigok, 1 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Isang 19-anyos na rider ang nasawi habang sugatan naman ang kanyang angkas matapos na sumaplok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na trak sa kahabaan ng highway ng Brgy. Sto. Domingo sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte, kamakalawa ng madaling araw.  Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Johnny Rey Elep, residente ng Brgy. Calancawan Sur habang sugatan at patuloy na ginagamot ang angkas na si Jonel Bares, 20, residente ng Brgy. Masalong, Labo.  Sumuko naman ang driver ng trak na si Jayson Bertiz Balla, 32, residente ng bayan ng Libmanan, Camarines Sur.  Sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw, magkasalubong na binabaybay ng mga biktima at ni Balla ang naturang highway nang mawalan ng kontrol sa manibela si Elep at tuluyang sumalpok sa kasalubong na trak, sa sobrang lakas ng pagkakasalpok, parehong tumilapon ang dalawa na ikinasawi ni Elep at ikinasugat naman ng backrider.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with