‘Tulak’ pumalag, tigbak sa parak
TANZA, Cavite, Philippines — Bulagta ang isang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng shabu nang manlaban umano sa mga alagad ng batas sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Capipisa, sa bayang ito, kahapon ng madaling araw.
Dead-on-the-spot ang suspek na nasa drug watchlist ng pulisya na si Joseph Orantia, nasa hustong gulang, residente ng naturang barangay. Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon laban sa suspek.
Sa kalagitnaan ng transaksyon ay biglang nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang ka-deal dahilan upang bumunot ng armas at putukan ang mga pulis na agad namang nakaganti na nagresulta sa pagkakapatay sa suspek. Nakuha sa suspek ang isang kalibre .38 baril, 15 sachet ng shabu at P200.00 marked money.
- Latest