^

Probinsiya

SUV sumalpok: Tserman durog, 4 pa sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
SUV sumalpok: Tserman durog, 4 pa sugatan
Dead-on-arrival sa Camarines Norte Provincial Hospital si Chairman Ramon Abano, 46-anyos, ng Brgy. 7 habang nagpapagaling sa Leon Hernandez Hospital ang DILG-officer ng munisip­yo na si Ronnel Dumasig, 40-anyos at pinalabas naman sa ospital matapos na mabigyan ng paunang lunas sina Edwin Ferrer, tserman ng Brgy. 2, Rosito Panotes, tserman ng Brgy. Borabod at ang driver ng SUV na si Nicanor Paliza, tserman ng Brgy. Pamorangon.
File Photo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasawi ang isang chairman ng barangay habang sugatan ang tatlong kapwa tserman at isang DILG officer ng munisipyo matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang SUV sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Daguit sa bayan ng Labo, Camarines Norte kahapon ng mada­ling araw.

Dead-on-arrival sa Camarines Norte Provincial Hospital si Chairman Ramon Abano, 46-anyos, ng Brgy. 7 habang nagpapagaling sa Leon Hernandez Hospital ang DILG-officer ng munisip­yo na si Ronnel Dumasig, 40-anyos at pinalabas naman sa ospital matapos na mabigyan ng paunang lunas sina Edwin Ferrer, tserman ng Brgy. 2, Rosito Panotes, tserman ng Brgy. Borabod at ang driver ng SUV na si Nicanor Paliza, tserman ng Brgy. Pamorangon.

Sa ulat ni Chief Inspector Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-5 ng madaling araw binabaybay ng Montero Sport (SKN-213) ang highway patungong munisipyo nang mawalan ng direksyon at bumangga sa puno ng mangga sa tabi ng kalsada. Sa lakas ng bangga, nawasak ang unahang bahagi ng sasakyan kung saan naipit si Abano. Agad namang sumaklolo ang mga residente at mga pulis at naisugod sa ospital ang mga biktima pero ‘di na umabot nang buhay si Abano.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with