^

Probinsiya

Road rage: Mister utas, 6 malubha

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Road rage: Mister utas, 6 malubha
Sa report ni Supt. Nelson Vallejo, hepe ng Cauayan City Police; dead-on-the-spot si Anthony Macadangdang, 20, habang sugatan ang kanyang mga angkas na sina John Marck Sanchez, 19, at Bryan Baroga, 16, at ang iba pang biktima na sina Robbie Sinnott, 20, Ericka Jesura, 17, Derick Villafuerte, 21, at Daryll Ordonez, 19, na mga taga-Caua­yan City ay isinugod sa pagamutan. ?

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —   Napas­lang ang isang mister habang malubhang nasugatan ang anim niyang kasama matapos na sadyang araruhin ng rumaragasang kotse ang kinalululanan nilang tatlong motorsiklo habang tinatakasan ang kanilang nakaalitan sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela kahapon ng madaling araw.?

Sa report ni Supt. Nelson Vallejo, hepe ng Cauayan City Police;  dead-on-the-spot si Anthony Macadangdang, 20, habang sugatan ang kanyang mga angkas na sina John Marck Sanchez, 19, at Bryan Baroga, 16, at ang iba pang biktima na sina Robbie Sinnott, 20, Ericka Jesura, 17, Derick Villafuerte, 21, at Daryll Ordonez, 19, na mga taga-Caua­yan City ay isinugod sa pagamutan. ?

Bago ang aksidente, lumalabas na naunang nasangkot ang mga biktima sa isang alitan na nauwi sa rambulan sa loob ng isang lugawan laban sa grupo ni Aaron Reyes, 22, na taga-Aurora, Isabela da­kong alas-4:30 nang madaling araw. ?Nabatid na tumakas sakay ng tatlong motorsiklo ang mga biktima subalit hinabol sila ni Reyes sakay ng kanyang Hyun­dai Accent (PQA 820) saka sinalpok ang mga biktima na parang pin ng bowling.?

Utas si Macadangdang ha­bang tumilapon at nagpagulong-gulong sa kalsada ang mga kasamahan nito.?

Sumadsad sa bakan­teng lote ang kotse kaya’t naaresto ng mga nagres­pondeng pulis si Reyes kasama ang alalay na si Hugiebert Rivera Moico, 28.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with