^

Probinsiya

Lider ng NPA terrorists, 1 pa sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lider ng NPA  terrorists, 1  pa sumuko
Kinilala ni Captain Rodel Bacani, spokesman ng 10th Infantry Division (ID) ng Philippine Army (PA) ang nasakoteng opisyal ng NPA na si alyas Ka Jay Ar, team leader ng Baking Primera ng Guerilla Front (GF) 25 at kasamahan nitong tinukoy lamang sa alyas na Ka Chong na kapwa sumasailalim na sa tactical interrogation ng militar.

MANILA, Philippines — Boluntaryong sumuko sa tropa ng militar ang lider ng isang grupo ng rebeldeng New People’s Army (NPA) at isa nitong tauhan sa New Bataan, Compostela Valley kamakalawa.

Kinilala ni Captain Rodel Bacani, spokesman ng 10th Infantry Division (ID) ng Philippine Army (PA) ang nasakoteng opisyal ng NPA na si alyas  Ka Jay Ar, team leader ng Baking Primera ng Guerilla Front (GF) 25 at kasamahan nitong tinukoy lamang sa alyas na Ka Chong na kapwa sumasailalim na sa tactical interrogation ng militar. 

Sinabi ni Bacani na sina Ka Jay-Ar ay sumurrender sa tropa ng 66th Infantry Battalion (IB) ng PA.

Isinuko rin nila ang ka­nilang mga armas na kinabibilangan ng isang 57 caliber anti-tank personnel recoilless rifle  na gamit ng GF 15 at GF 25 ng NPA re­bels sa serye ng engkuwentro laban sa tropang gobyerno nitong mga nakalipas na taon.

Ang dalawa ay bahagi ng grupo ng NPA na nag-ooperate sa bahagi ng balwarte ng Sub-Regional Committee 1 ng Southern Mindanao Regional Committee.

vuukle comment

ARRESTED

SURRENDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with