^

Probinsiya

Pugante sa Bacoor jailbreak, dedo sa pulis

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Pugante sa Bacoor jailbreak, dedo sa pulis
Base sa inisyal na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Police S/Supt. William Segun, dakong alas-5:00 ng umaga nang mapatay si Michael Salac sa naturang barangay kung saan siya nagtatago mula nang makatakas.
File Photo

MANILA, Philippines — Napatay ng mga pulis ang isa sa 23 inmates na tumakas sa Bacoor City Police Custodial Center noong Hulyo 27 matapos siyang tumangging sumuko at nanlaban na naganap sa Brgy. Molino 4 sa nasabing lungsod.

Base sa inisyal na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Police S/Supt. William Segun, dakong alas-5:00 ng umaga nang mapatay si Michael Salac sa naturang barangay kung saan siya nagtatago mula nang makatakas.

Pinaputukan umano ni Salac ang arresting officers sa kabila ng negosasyon dahilan upang magkaroon ng engkuwentro hanggang sa mapatay ang suspek.

Matatandaang noong Hulyo 27 nang mangyari ang jailbreak sa nasabing facility makaraang samantalahin ng mga inmates ang pagbukas ng pinto ng kulungan ng jailguard para ipasok sana ang isa pang preso.

Sa kasalukuyan ay anim na lang na preso ang hindi pa naibabalik sa selda na patuloy pa ring tinutugis ng mga otoridad.

vuukle comment

BACOOR JAILBREAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with