^

Probinsiya

College stude patay, 6 sugatan sa road mishap

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
College stude patay, 6 sugatan sa road mishap
Kinilala ng pulisya ang namatay na biktima na si Karl Howell Bello, binata, 4th year college student at residente ng Magallanes, Cavite habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Tagaytay ang mga pinsan nito na sina Maryann Sarabia, 27- anyos; Karen Rollo, 25- anyos; Angelo Salgado, 26-anyos; Jessica Villa Luz, 26- anyos; Jem Rodny Diones, 25 at ang driver ng Toyota Wigo na si Gian Carlo Mojica, 22, binata; pawang mga residente ng Brgy. 2, Magallanes, nasabing lalawigan.

CAVITE , Philippines — Patay ang isang 19-anyos na graduating college student habang anim na iba pa ang sugatan matapos na sumalpok ang kanilang kotse sa malaking pader habang bumabagtas sa kahabaan ng Tagaytay-Nasugbu hi-way, Brgy. Neogan sa Tagaytay City kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang namatay na biktima na si Karl Howell Bello, binata, 4th year college student at residente ng  Magallanes, Cavite habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Tagaytay ang mga pinsan nito na sina Maryann Sarabia, 27- anyos; Karen Rollo, 25- anyos; Angelo Salgado, 26-anyos; Jessica Villa Luz, 26- anyos; Jem Rodny Diones, 25  at ang driver ng Toyota Wigo na si Gian Carlo Mojica, 22, binata; pawang mga residente ng Brgy. 2, Magallanes, nasabing lalawigan.

Sa ulat ni SPOI Lugene Cua, bandang alas-4:20 ng madaling araw habang sakay ang magpipinsan ng Toyota Wigo (AEA 6999) na minamaneho ni Mojica nang bigla umanong mawalan ng kontrol sa manibela ang natu­rang driver. Sa bilis ng kanilang takbo, hindi na nakontrol ni Mojica ang sasakyan kung kaya tuloy-tuloy itong su­malpok sa malaking pader sa gilid ng kalsada. Sa la­kas ng bangga, halos mawasak ang sasakyan na ikinamatay agad ni Bello dahil sa tindi ng pinsalang tinamo sa ulo. 

Ayon sa pulisya, nakainom umano ng alak si Mojica at malamang na inantok habang nagmamaneho kung kaya naganap ang aksidente.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with