^

Probinsiya

Mister utas, utol ng mayor huli sa drug ops

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Mister utas, utol ng mayor huli sa drug ops
Ihahain sana ng PDEA ang search warrant laban kay Jennel Tabas at sa kanyang asawa na si Khey Kristine Tabas nitong Sabado ng ala-1:00 ng madaling araw ngunit sa hindi inaasa­hang pagkakataon, bigla umanong bumunot ng baril si Tabas at pinaputukan ang mga awtoridad na napilitang gumanti ng putok.

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister habang arestado ang misis nito na umano’y kapatid ni Malalag, Davao del Sur Mayor Peter Paul Valentin sa ikinasang anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bayan ng Padada, Davao del Sur, madaling araw nitong Sabado.

Ihahain sana ng PDEA ang search warrant laban kay Jennel Tabas at sa kanyang asawa na si Khey Kristine Tabas nitong Sabado ng ala-1:00 ng madaling araw ngunit sa hindi inaasa­hang pagkakataon, bigla umanong bumunot ng baril si Tabas at pinaputukan ang mga awtoridad na napilitang gumanti ng putok. Dahil dito, minalas na nabaril ang suspek sa kanyang dibdib na kaagad namang dinala sa Davao Sur Provincial Hospital pero idineklarang dead-on-arrival.

Nakuha sa suspek ang aabot sa 35 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nasa P525,000 ang halaga.

vuukle comment

PETER PAUL VALENTIN

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with