^

Probinsiya

Mister niratrat sa harap ng kinakasama

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mister niratrat sa harap ng kinakasama
Dead-on-the-spot sa lugar ang biktimang si Pedro Sabaulan habang hindi naman sinaktan ang kinakasama nitong si Elvie Bonggot, kapwa residente ng nasabing barangay.

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Bulagta ang isang 54-an­yos na lalaki matapos na pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang kinakasama habang naglalakad sa Sitio Bucal, Brgy. Poblacion 1, Claveria, Masbate noong Miyerkules ng umaga.

Dead-on-the-spot sa lugar ang biktimang si Pedro Sabaulan habang hindi naman sinaktan ang kinakasama nitong si Elvie Bonggot, kapwa residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga, magkasamang naglalakad ang biktima at live-in partner patungong bukid nang harangin ng ‘di kilalang gunman.

Hindi na nakatakbo ang biktima nang biglang ratratin ng suspek na agad nasawi dahil sa tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Agad tumakas ang suspek bitbit ang baril na ginamit sa pamamaslang. Nakuha ng mga pulis sa crime scene ang isang basyo ng bala ng 12-gauge shotgun.

vuukle comment

MAN SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with