^

Probinsiya

2 Nigerian tiklo sa buy-bust

Raymund ­Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 Nigerian tiklo sa buy-bust
Kinilala ang mga nasakoteng dayuhang suspek na sina Christopher Chukwuma alyas ‘Cris’, 33, binata at Ben Okoye, 34-anyos; pawang naninirahan sa nasabing lugar.
File Photo

MANILA, Philippines — Dalawang Nigerian ang inaresto ng mga otoridad matapos silang mahulihan ng droga sa ikinasang buy-bust ­operation sa kanilang apartment kahapon ng mada­ling araw sa Brgy. Amsic, Angeles City.

Kinilala ang mga nasakoteng dayuhang suspek na sina Christopher Chukwuma alyas ‘Cris’, 33, binata at Ben Okoye, 34-anyos; pawang naninirahan sa nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, ­inaresto ang mga suspek habang iniaabot sa poseur buyer ang droga na nagkakahalaga ng P3,000.

Bukod dito nakum­piska rin sa mga suspek ang anim na pirasong medium transparent plastic sachet na naglalaman ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ­P150,000.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nasakoteng suspek habang nakipagkoordinasyon na rin sa Bureau of Immigration (BI) para iberipika ang status ng mga da­yuhang tulak ng droga sa bansa. (Joy Cantos at Gary ­Bernardo)

vuukle comment

NIGERIAN ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with