^

Probinsiya

Retiradong parak tumba sa utol

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Retiradong parak tumba sa utol
Namatay agad ang biktima na nakilalang si Severo Lubigan, 59, residente ng Brgy. Gregorio Trece Martirez City dahil sa tama ng bala sa katawan.

CAVITE  , Philippines  —  Patay ang isang retiradong pulis mula sa kamay ng kanyang sarilng kapatid matapos na mauwi sa pamamaril ang kanilang pagsusuntukan makaraan ang mainitang pagtatalo kamakalawa sa Brgy. Gregorio. Trece Martirez City.

Namatay agad ang biktima na nakilalang si Severo Lubigan, 59, residente ng Brgy. Gregorio Trece Martirez City dahil sa tama ng bala sa katawan.

Nakatakas naman ang suspek na si Bonifacio Lubigan, nasa hustong gulang, nakababatang kapatid ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang magtalo umano ang magkapatid hanggang sa mauwi pa ito sa suntukan. Nadehado ang suspek kung kaya  sa sobrang pagkapikon at galit nito ay kinuha nito ang kanyang baril at binaril ang kuya. Duguang bumagsak ang biktima habang mabilis na tumakas ang suspek tangay ang baril na ginamit na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Nagawa pang maitakbo sa MV Santiago Medical Center Trece Martirez Cavite ang retiradong pulis subalit idineklarang patay.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with