^

Probinsiya

Rapist na ama arestado

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Matapos ang may limang taong panggagahasa sa sariling anak na 16-anyos, inaresto ng pulisya ang isang ama kamakalawa sa Maragondon ng lalawigang ito. Kinilala ang suspek na si Rolito Glumal, ng Mount Marami, Maragondon. Sa ulat ni P/Sr. Insp. Edison Vitto ng Maragondon Police, ikinasa nila ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Betlee-Ian Barraquias ng RTC 4th Judicial Region-Branch 15 sa Naic, Cavite para sa kasong 5 counts of rape laban sa suspek.

Nagsimula ang panghahalay ng suspek sa anak ng 12 taong gulang pa lang ang huli at ngayong buwan lang nabisto ang pang-aabuso nito makaraang magkasakit ng UTI ang biktima at  dito na nagsumbong sa kanyang ina at sinampahan ng kaso ang suspek. Napag-alaman na number 9 Most Wanted Person sa Regional Level ang nasabing suspek.

vuukle comment

RAPIST NA AMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with