^

Probinsiya

‘Akyat-Bahay’ bulagta sa encounter

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite , Philippines  —   Patay ang isa sa umano’y tatlong miyembro ng “Akyat-Bahay Gang”

Nang makipag-engkuwentro sa mga operatiba ng Tagaytay City Police makaraang  manloob ng isang  bahay  sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek at dalawang nakatakas na kasamahan nito.

Sa ulat ng pulisya,  alas-10:20  ng gabi nang maganap ang engkuwentro, matapos na makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa chief security ng Tagaytay Country Homes 2 sa Brgy. Neogan, Tagaytay City hinggil sa tatlong armadong lalaki na pumasok sa nasabing subdivision, at nahuli sa aktong ninanakawan ang isang bahay doon.

Sa pagresponde ng pulisya, nagkaroon ng ha­bulan at palitan ng putok sa pagitan ng mga suspek at mga pulis hanggang sa maabutan sila sa Brgy. Zambal na nagbunsod ng engkuwentro.

Matapos ang may ilang minutong palitan ng putok, bumulagta ang isang suspek habang nakatakas ang mga kasamahan nito.

Narekober sa lugar ang isang caliber .38 revolver at tatlong basyo ng bala.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

TAGAYTAY CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with