^

Probinsiya

22 estudyante nalason sa siomai

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —  Umabot sa 22 estudyante ng Cauayan City National High School ang isinugod sa hospital matapos umanong malason sa kinaing siomai sa Kantina ng kanilang paaralan sa Cauayan City, Isabela noong Martes. ?Si Liezle Almuete, 12, na isa sa mga naisugod sa Cauayan City District Hospital ang nagsabing siya at lima sa kanyang mga ka­klase ang nakaramdam ng pagkahilo, pananakit ng katawan at pagsusuka matapos kumain ng siomai na paninda ng isang konsesiyonaryo ng paaralan sa kanilang break time dakong alas-10:00 ng umaga.

?Nabatid na ang ibang mga mag-aaral na naisugod sa iba’t-ibang pagamutan sa lungsod ang nagsabing bumaligtad ang kanilang sikmura sa pagkain ng siomai na pinaniniwalaang panis na.? Sinisiyasat ng pulisya ang maaaring pa­nanagutan ng mga opisyal ng paaralan sa pinaniniwalaang kaso ng food poisoning.   

vuukle comment

ESTUDYANTE

NATIONAL HIGH SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with