^

Probinsiya

Bangka tumaob: 4 patay, 14 ligtas

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Bangka tumaob: 4 patay, 14 ligtas
Sa unang ulat, nilamon ng ilog ang mga biktimang sina Michael Salvador, 39-anyos at Gian Carlo Salvador, Grade IV student habang masuwerteng masuwerte namang nasagip ng isang mangingisda sina Fernando Bernardo, 58 taong gulang at Rizalino de Leon,15-anyos matapos na tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Agno Ri­ver, Brgy. Baay, Lingayen, Pangasinan.
File

Sa Pangasinan at Masbate

MANILA, Philippines — Apat na katao ang nasawi habang labing-apat naman ang mapalad na nakaligtas makaraang tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa magkahiwalay na insidente naganap sa probinsya ng Masbate at Pangasinan nitong nakaraang araw ng Linggo.

Sa unang ulat, nilamon ng ilog ang mga biktimang sina Michael Salvador, 39-anyos at Gian Carlo Salvador, Grade IV student habang masuwerteng masuwerte namang nasagip ng isang mangingisda sina Fernando Bernardo, 58 taong gulang at Rizalino de Leon,15-anyos matapos na tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Agno Ri­ver, Brgy. Baay, Lingayen, Pangasinan.

Batay sa ulat ng Pangasinan Police, nangyari ang insidente dakong alas-11:15 ng tanghali habang lulan ng bangka ang mga biktima nang pagsapit sa gitnang bahagi ay bigla na lang umanong pinasok ng tubig ang kanilang sinasakyan dahilan upang ito’y lumubog.

Dito na nilamon ng ilog sina Michael at Gian Carlo habang masuwerte namang nailigtas ng sumaklolong mangingisda sina Fernando at Rizalino.

Samantala, sa Masbate, patay rin ang mga biktimang sina Ema Gu­tierrez Rabino, 78-anyos, residente ng Hillside, Brgy. Kinamaligan, Masbate City at Teresita Garganera, 59-anyos, residente ng Cataingan habang naligtas naman ang 12 pasahero matapos tumaob sa dagat ang kanilang sinasak­yang bangka makaraang salpukin ng naglalakihang alon sa karagatang sakop ng Brgy.Tugbo sa bayan ng Mobo naganap dakong ala-1:20 ng madaling araw. Agad namang sumaklolo ang ilang mga mangi­ngisda at mga miyembro ng bantay-dagat sa mga biktima at naisalba ang 12 pasahero habang patay nang maihaon sina Rabino at Garganera.

vuukle comment

BANGKA

TUMAOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with