^

Probinsiya

Bus bumaligtad: 57 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Limampu’t pitong katao ang nasugatan makaraang maaksidente ang isang pampasaherong bus na bumaligtad sa kahabaan ng KM 67, Northbound ng Star Tollway, Brgy. Bagumbayan, Tanauan City, Batangas nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay CALABARZON Police Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, bandang ala-1:15 ng hapon nang mang­yari ang sakuna sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Eleazar na kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang Dela Rosa Liner na may rutang Batangas–Alabang na may lulang 57 katao na minamaneho ni Joselito Nono ng Calamba City, Laguna.

Ayon kay Eleazar habang bumabaybay ang pampasaherong bus sa nasabing lugar ay tinangka nitong iwasan ang isang behikulo sa unahan nito na nagbunsod sa sakuna.

Sinabi ni Eleazar na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na nalubak sa malalim na kanal sa expressway bunsod upang bumaligtad ito.

Agad namang nag­responde ang search and rescue team na sinaklolohan ang mga biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

vuukle comment

BATANGAS ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with