^

Probinsiya

Karambola ng 5 sasakyan: 2 patay, 11 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Karambola ng 5 sasakyan: 2 patay, 11 sugatan
Nagkayupi-yupi ang mga sasakyan matapos na magkarambola na ikinaipit ng mga pasahero kabilang na ang dalawa na minalas na masawi sa insidente sa Camarines Sur kahapon ng umaga.
Kuha ni Jorge Hallare

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Dalawa katao ang patay kabilang ang isang school principal habang 11 pa ang sugatan matapos magkarambola ang limang sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Mabini, Libmanan, Camarines  Sur kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Leoncia Mangarin, 60-anyos, principal ng pampublikong paaralan sa Libmanan, ng Camella Homes, Brgy. Del Rosario sa Naga City at Ronel Pena Buenaagua, ng Pili.

Ginagamot sa Libmanan District Hospital ang mga sugatan na sina Francesca Abayo, 75; Socorro Adiova, 65; Felicidad Canet, 93, at Albert De Vera, 61; Susanne Maner, 34; Naoki William Pena, 9-buwang gulang, at lima pa na inaalam ang mga pangalan.

Sa ulat, alas-5:30 ng umaga, binabagtas ng Toyota Avanza (VQ-2943) ang highway na minamaneho ni Buenaagua nang sumalpok ito sa kasalubong na Tripolds bus (EVP-896) na minamaneho ng isang “Felimon” na tumakas makaraan ang aksidente. Nawalan umano ng kontrol ang bus sanhi upang bumangga ito sa itim na SUV (Ford Everest) na minamaneho ni Silvestre Mangarin.

Sa kasamaang palad, binangga naman ang SUV ng sumusunod na Philtranco bus (ABG-7609) na minamaneho ni Alex Candia, 39-anyos, kung saan sumalpok ito sa kanila ang sumusunod na truck (RHC-967) na minamaneho naman ni Arnold De Leon.

Ang namatay na si Ma­ngarin ay lulan ng SUV Ford Everest habang si Buenaagua ang driver ng SUV Avanza na tumilapon sa labas ng kanyang sasakyan dahil sa lakas ng pagkakabangga. (Joy Cantos)

vuukle comment

CAMARINES SUR ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with