Mayor ligtas, 4 utas sa ambush!
3 pa sugatan
MANILA, Philippines — Tatlo katao ang patay kabilang ang isang pulis at barangay chairman habang apat pa ang malubhang nasugatan matapos tambangan ang sinasakyan ni Municipal Pantao Ragat Mayor Lacson Lantod kahapon ng umaga sa Lanao del Norte.
Kinilala ang nasawi na si Barangay Captain Kalic Disamburun at isang alyas Tarapas habang dead-on-arrival sa Balao-i hospital sina PO1 Farid Macalaba at Casamuding Hasim sa Adventist Medical Hospital.
Ginagamot naman sa Mindanao Sanitarium Hospital, sa Iligan City sina PO1 Mangonte, Brgy Capt. Parmon Macarimbang at SB Acmad Magumnang.
Masuwerte namang nakaligtas at hindi nasugatan si Mayor Lantod.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNP-Provincial Regional Office 10 na dakong alas-8 ng umaga kahapon habang sakay ang alkalde at mga kasamahang biktima ng Toyota pickup hi-lux nang tambangan sila at pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa Brgy. Cabasagan Pantao Ragat, Lanao del Norte.
Sinisiyasat pa ng mga awtoridad ang motibo sa pananambang na posibleng may kinalaman sa pulitika.
- Latest