^

Probinsiya

Mister nangulila kay misis, 2 anak hinostage

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —  Bagsak kalaboso ang isang 29-anyos na pedicab driver na mister na pinaniniwalaang bangag sa droga matapos gawing hostage ang dalawa niyang paslit na anak sa loob ng palikuran ng isang simbahan makaraang mabigong makasamang muli ang lumayas na misis nito naganap sa Brgy. Ajat, Iguig, Cagayan kamakalawa.  Sa report na nakarating sa hepe ng bayan na si Sr. Insp. Joerge Jacob, dumayo sa Iguig si Ronie Omaña na tubong Guiguinto, Bulacan upang dumalo sa misa ng libing ng yumao nitong biyenan nang dalhin niya sa palikuran ang mga bata edad 6 at 8 walong taong gulang at doon ipinahayag ang pangho-hostage.  Nabatid na naburyong si Omaña matapos mabigong mapabalik sa kanyang poder ang humiwalay na misis kaya’t  pinagsasampal nito ang mga anak nang mabigo siyang patigilin sa kaiiyak.  Dahil sa komosyon, napilitan ang ilang miron sa insidente na lusubin at gibain ang pinto ng palikuran saka kinuyog si Omaña na nadatnang sinasakal na ang isa sa kanyang anak. Humaharap ngayon sa patung-patong na kasong kriminal si Omaña matapos ang insidente.

vuukle comment

DROGA

HOSTAGE

PEDICAB DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with