^

Probinsiya

2 ‘killer’ ng konsehal natimbog

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 �killer� ng konsehal natimbog
Matapos na maaresto, mismong si Calabarzon Regional Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang nagsagawa ng interogasyon sa dalawang suspek na umano’y pumatay sa konsehal ng Sariaya, Quezon na si Aristeo Manalo Ilao, matapos na dumating ang dalawa sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna kahapon.
(Kuha ni Joven Cagande)

MANILA, Philippines — Mabilis na nalutas ang kaso ng pamamaslang sa konsehal ng bayan ng Sariaya, Quezon matapos masakote ang dalawang sinasabing responsable sa krimen sa follow-up operations ng pulisya sa nasabing bayan kamakalawa.

 Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Ramil Gesmundo at kapatid nitong si Reynaldo Gesmundo.

 Sa ulat, sinabi ni Police Regional Office (PRO) IV-A Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang dalawa ay nasakote pasado ala-1:10 ng hapon o tatlong oras matapos na paslangin ang biktimang si Sariaya Councilor Aristeo Ilao.

 Ayon kay Eleazar ang mga suspek ay mga bayaw ng biktimang si Konsehal Ilao na natukoy matapos na ituro ng mga testigo sa krimen.

 Nitong Huwebes, dakong alas-9:30 ng umaga nang pagbabarilin ng riding in tandem na mga salarin si Ilao sa tahanan nito sa Brgy. Sampaloc 2, Sariaya kung saan agad itong binawian ng buhay sa tinamong mga tama ng bala sa ulo.

 Samantala, agad namang nagsagawa ng follow-up operations ang mga awtoridad at nasakote ang mga suspek sa magkakahiwalay na lugar sa Brgy. Sampaloc 2 at Pinagbakuran sa kanilang bayan.

 Sa imbestigasyon, sinabi ng mga suspek na personal na galit ang nagtulak sa kanila para paslangin ang biktima.

vuukle comment

FOLLOW-UP OPERATIONS

KONSEHAL ILAO

PULISYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with