^

Probinsiya

French tiklo sa tangkang rape

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY  , Philippines  —  Nakaligtas sa tangkang panghahalay ng isang French national ang isang menor-de-edad na may kapansanan sa pag-iisip makaraang inguso ng residenteng nakakita sa pinagdalhang hotel sa lungsod kamakalawa ng hapon.

Nakapiit ngayon at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 7610 ang suspek na si Olivier Gerard Yves Marie Duchaufor, 55, binata , may physical disabilities, tubong Nancy, France at pansamantalang nakatira sa Makati City, habang nasa pangangalaga ng CSWDO ang biktimang itinago sa pangalang Mara, 17, Grade 9 ng barangay Cotta.

Ayon kay PSupt.Vicente Cabatingan, chief of police dito, isang residente ang nakakita sa biktima na isinama ng suspek sa Sir Josh Hotel dakong alas-12:15 ng hapon kung kaya’t ipinagbigay alam ito sa ina ng huli na nagsumbong sa pulisya.

Agad na inatasan ni Supt. Cabatingan si Sr. Insp. Reden Valdez kasama ang ilang mga operatiba na magsagawa ng rescue operation kung saan ay naabutan pa sa akto ang suspek na naghuhubad na ng pang-itaas na damit.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang akusasyon at sinabing nakikipagkaibigan lamang siya sa biktima na bolun­taryong sumama sa kanya.

vuukle comment

FRENCH NATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with