^

Probinsiya

PANOORIN: Pagnanakaw ng cellphone sa loob ng salon sa Cavite

Christian Imperio - Pilipino Star Ngayon
PANOORIN: Pagnanakaw ng cellphone sa loob ng salon sa Cavite

Ilang mga netizen ang nakapagsabi na nakapambiktima na ang suspek sa lalawigan ng Rizal. 

MANILA, Philippines – Kitang-kita sa kuha ng closed circuit television camera (CCTV) ang isang lalaki na sumalisi upang manakaw ang cellphone sa loob ng isang salon sa Imus City, Cavite.

Ayon sa ipinadalang video ni Jay Sortijas, may-ari ng salon, dali-daling pumasok ang kawatan sa loob ng establisyimento bandang alas-4 ng hapon nitong Lunes dala-dala ang isang solicitation letter.

Nang makapasok ay agad na kinausap ng kawatan ang babaeng anak ni Sortijas habang patingin-tingin sa loob ng establisyimento.

Nang tumalikod ang dalaga upang kumuha ng pera ay mabilis naman isinilid ng kawatan sa papel ang isang cellphone na nagkakahalaga ng P10,000.

Ayon kay Sortijas, matapos niyang i-post sa kanyang Facebook ang insidente ay may ilang mga netizen ang umano’y nakilala ang suspek at sinabing nakapambiktima na rin sa lungsod ng Rizal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with