^

Probinsiya

Provincial police director ng Quirino, sinibak din

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Tuluyang sinibak sa puwesto ang police provincial director ng Quirino at pinalitan ng opisyal ng Special Action Force (SAF) dalawang araw matapos salakayin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang himpilan ng pulisya sa bayan ng Maddela na ikinasawi ng isang pulis. ?

Itinalaga ni Cagayan Valley police director P/Chief Supt. Eliseo Rasco si P/Senior Supt. Gregory Bognalbal, dating PNP-SAF chief of operations kapalit ni P/Senior Supt. Merwin Cuarteros. ?

Si Bognalbal ay miyembro ng PNPA Sandigan Class of 1994.?

Naunang sinibak ni Rasco ang hepe ng Maddela police na si P/Chief Insp. Jhun-Jhun Balisi na wala sa kanyang puwesto nang maganap ang pagsalakay.

Nangibabaw ang emos­yon ni Rasco nang sabihing hindi siya mag aatubling giyerahin ang NPA sa kabila ng paanyaya niya sa mga ito ng kapayapaan.?

Sinabi niyang traydor at hindi interesado sa katahimikan ang NPA kaya nakahan­da siyang tugisin ang mga ito hindi lamang sa Quirino kundi sa buong Region 2.?

Nagdulot ng matinding dagok sa PNP at pamahalaan ang paglusob ng mga rebelde sa Maddela matapos disarmahan ang mga pulis saka itinumba si PO2 Jerome Cardenas na tangkang manlaban sa harap ng kanilang nagulantang na deputy chief of police Insp. Resty Derupe. ?

Ayon kay Rasco, ipinasisiyasat niya rin ang naging kapabayaan ng intelligence unit dahil batid na nilang may balak lusubin ng mga NPA ang Maddela Police Station noon pang Pebrero 2017.

vuukle comment

SAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with