^

Probinsiya

Pekeng pulis, arestado

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pekeng pulis, arestado
Kalaboso ang 45-anyos na pekeng pulis matapos masakote sa isinasagawang Oplan Sita sa Barangay Poblacion, bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon ng umaga.
Philstar.com, file

BULACAN, Philippines - Kalaboso ang 45-anyos na pekeng pulis matapos masakote sa isinasagawang Oplan Sita sa Barangay Poblacion, bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Jimmy Quebada ng Barangay Malaria sa Caloocan City at sinasabing striker sa Sangandaan police station. Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Reniel Valones, nagmomotorsiklo ang suspek nang sitahin sa checkpoint dahil sa kawalan nito ng helmet at kakaibang uniporme ng pulis. Walang maipakitang badge ang suspek at walang anumang police patches at nameplate sa uniporme kaya binitbit sa himpilan ng pulisya. Inamin naman ng suspek na isa lamang siyang striker ng pulisya sa Sangandaan Police Station Intelligence Branch sa pamumuno ni P/Chief Insp. Crisanto Lleba. Nasamsam sa suspek ang cal. 9mm pistol na replica, dalawang magasin ng baril at jacket ng PNP.

vuukle comment

PEKENG PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with