^

Probinsiya

Sundalo nangholdap ng LBC, tiklo sa CCTV!

Francis Elevado, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines – Kalaboso ang isang sundalo makaraang masakote ng mga awtoridad sa isinagawang hot pursuit operation matapos na holdapin nito ang isang sangay ng LBC na matatagpuan sa ML Quezon Street, sa panulukan ng Fr. Burgos Street, Brgy. San Julian, Irosin, Sorsogon, kamakalawa.

Nakilala ang suspek sa pamamagitan ng CCTV footage na matatagpuan sa loob ng LBC na si Pfc Allan Talento, 26, miyembro ng 31st Infantry Battalion, 9th infantry Division ng Philippine Army, may asawa ng  Brgy. Old Camp, Capalonga,  Camarines Norte.

Batay sa pahayag ng biktimang si Ailayn Sus, 28, isang costumer associate ng LBC at residente ng Brgy. Macawayan, Irosin, Sorsogon, alas-2:55 ng hapon nang pumasok ang suspek sa loob ng LBC at nagpanggap na kustomer. Makaraan ang ilang minuto, nagdeklara ng holdap ang suspek habang nakatutok ang isang kalibre .45 kay Sus.

Mabilis na nilimas ng suspek ang P7,758.00 cash at saka tumalilis sakay ng isang motorsiklo.

Sa mabilisang aksyon ng mga awtoridad, ang suspek ay naaresto sa bahagi ng Brgy. Bura-Buran, Juban, Sor­sogon sakay ng kulay pink na MIO  motorcycle kasama ang kanyang asawang si Rizel Talento.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang sling bag na naglalaman ng Colt cal. 45 pistol na may pitong bala at ekstrang walong bala ng kalibre .45;  isang granada, P3,500 cash; cellphone, AFP ID; at iba’t ibang ID, mga resibo at AFP pay slips. 

vuukle comment

LBC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with