Driver, vendor utas sa pamamaril
CAVITE, Philippines – Dalawa-katao ang napatay makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Barangay Aniban 1, Bacoor City, Cavite. Kinilala ng pulisya ang biktima na sina Rexie Gervacio, 46, pedicab driver at nakatira sa #294 President Garcia Street sa nasabing barangay; at Vergenia Barrera, vendor, ng Barangay Salinas, Rosario, Cavite. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nasa pedicab ang biktima sa kahabaan ng Zapote-Molino Road nang lapitan at ratratin ng gunman. Gayunman, nadamay din si Barrera makaraang tamaan ng ligaw na bala.
- Latest