^

Probinsiya

500 kahon ng pekeng Christmas lights, nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
500 kahon ng pekeng Christmas lights, nasamsam
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, katuwang ang pulisya ay nag-inspeksyon ang lokal na Department of Trade and Industry (DTI) sa mga stalls sa pamilihan ng nasabing lungsod kagunay sa mga Pamaskong dekorasyon.
File photo

MANILA, Philippines – Umaabot sa 500 kahon ng Christmas lights ang nasamsam ng mga awtoridad sa serye ng operasyon sa San Fernando City, La Union kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, katuwang ang pulisya ay nag-inspeksyon ang lokal na Department of Trade and Industry (DTI) sa mga stalls sa pamilihan ng nasabing lungsod kagunay sa mga Pamaskong dekorasyon.

Sa pahayag ng mga opisyal ng DTI Pangasinan, nadiskubreng peke ang International Commodity Clearance stickers na nakakabit sa mga Christmas decor.

Bukod sa pekeng stickers ay hindi rin ito dumaan sa masusing quality control para ibenta sa mga pamilihan.

Napag-alaman din ng ahensya na ang mga ikinakabit na pekeng ICC stickers ay nagmumula sa Maynila sa halagang P2-kada piraso.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ang mamamayan na tangkilikin lamang ang mga Christmas ligths na aprubado ng DTI upang makaiwas sa posibleng panganib tulad ng sunog at pagkapinsala ng mga ari-arian.

 

vuukle comment

CHRISTMAS LIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with