^

Probinsiya

Jeepney hulog sa bangin: 2 dedo, 20 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na namatay habang 20 naman ang nasugatan makaraang mahulog ang pampasaherong jeepney sa malalim na bangin sa Barangay Parina, bayan ng Calanasan, Apayao kamakalawa ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng Cordillera PNP na isinumite sa Camp Crame, dalawa sa mga pasahero na inaalam pa ang  pagkakakilanlan ay kapwa idineklarang patay sa Claveria Infirmary habang patuloy namang ginagamot ang 19 pasahero at driver ng pampasaherong jeepney.

Base sa imbestigasyon, bumabagtas sa highway ang PUJ  na may plakang VBS 886 na minamaneho ni Sonnyboy Alayao nang maganap ang trahedya bandang alas-3 ng hapon sa kahabaan ng national road.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang driver habang bumabaybay sa matarik na highway kaya nagtuluy-tuloy na bumulusok sa malalim na bangin.

vuukle comment

ANG

APAYAO

BARANGAY PARINA

CALANASAN

CAMP CRAME

CLAVERIA INFIRMARY

DALAWA

HABANG

NAWALAN

NBSP

SONNYBOY ALAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with