^

Probinsiya

Minero tinodas ng kasamahan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napatay ang isang minero habang sugatan naman ang isa pa makaraang pagbabarilin  ng kanilang kasamahang minero dahil sa mainitang pagtatalo sa larong bilyar sa Barangay Sta Cruz, bayan ng Rosario, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si  Ronnie Umali habang isinugod naman sa pagamutan ang kasamahan nitong si Dante Estavas Jr., 23.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na si Ermito Magsalay.

Sa ulat ng Caraga PNP na isinumite sa Camp Crame, naganap ang insidente habang naglalaro ng bilyar si Umali  kung saan nanonood naman si Estavas nang biglang dumating ang suspek na nakainom ng alak. Gayon pa man, naghamon ang suspek na makipaglaho subalit iniwan na ito ng kaniyang mga kasama­hang minero kaya nagalit ito kung saan hinabol ang mga biktima saka pinagbabaril kung saan napuruhan si Umali.

 

vuukle comment

ACIRC

AGUSAN

ANG

BARANGAY STA CRUZ

CAMP CRAME

CARAGA

DANTE ESTAVAS JR.

ERMITO MAGSALAY

ESTAVAS

RONNIE UMALI

UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with