^

Probinsiya

2 bebot tiklo sa shabu

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines - Kalaboso ang dalawang babaeng umano’y mga big time na tulak ng shabu nang ma­aresto sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. San Nicolas 1st, Guagua, Pampanga kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Jovelyn Lictao, 39 ng Brgy. San Nicolas 1st, Guagua at Gina Martinez, 34 ng Brgy. Sta. Monica sa bayan ng Sta.Rita kapwa sa Pampanga.

Base sa ulat na nakara­ting sa Camp Olivas, Pampanga dakong alas 7:10 ng umaga ay nakatanggap ng ulat ang pulisya hinggil sa pagbebenta ng shabu ng dalawang babae sa loob ng isang bahay sa Brgy. San Nicolas at nang makumpirma ay kaagad na isinagawa ang operasyon.

Habang inaabot ng poseur buyer na pulis ang halagang P2,000 marked money kay Lictao kapalit ang ilang gramo ng shabu ay mabilis siyang dinamba habang narekober din kay Martinez ng ilang gramo ng shabu kabilang ang halagang P126,965 piso na hinihinalang pinagbentahan ng iligal na droga.

vuukle comment

BRGY

CAMP OLIVAS

GINA MARTINEZ

GUAGUA

HABANG

JOVELYN LICTAO

KALABOSO

PAMPANGA

SAN NICOLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with