Ex-newsman itinumba
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ang 47-anyos na dating newsman matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa bisinidad ng Taft Street sa bayan ng Bangued, Abra noong Miyerkules ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Vic Orcino, hepe ng Bangued PNP ang biktima na si Jacinto “Jack” Turqueza, dating manunulat sa mga pahayagang Abra Today at Tinig ng Bayan at kasalukuyang kawani ng Provincial Fiscal’s Office sa nasabing bayan.? Nabatid na inihatid ng biktima ang kanyang misis sa kanilang bahay bago bumalik sa pinapasukang opisina para kunin ang cellphone nang sundan at ratratin ng gunmen. Nakarekober sa crime scene ng mga basyo ng bala ng cal, 45 pistol.
- Latest