^

Probinsiya

Truck swak sa tulay: 3 patay, 27 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang kumpirmadong patay habang 27-naman  ang nasugatan makaraang mahulog mula sa tulay ang sinasakyang truck sa Purok 9, Barangay Sinuda sa bayan ng Kitaotao, Bukidnon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga namatay na sina Renaria Jidonia  ng Davao City; Janus Aguda ng Sultan Kudarat; at si  Ruth Rubina.

Patuloy namang ginagamot sa German Hospital ang mga sugatang pasahero kung saan ilan sa mga ito ay naki-hitch ride lamang sa nasabing truck.

Sa ulat ni P/Senior Inspector Evary Bacunawa, hepe ng Kitaotao PNP, naganap ang trahedya bandang alas-3 ng hapon.

Kasalukuyang bumabagtas sa Simud Bridge ang puting Forward truck (WPI 490) nang aksidente itong mahulog sa nasabing tulay.

Nabatid na kagaga­ling lamang ng nasabing truck mula sa Mountain View College at habang buma­bagtas sa nasabing tulay ay nasiraan ng preno kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver.

Nagtuluy-tuloy na bumulusok mula sa tulay ang truck kung saan tatlo sa mga sakay nito ang namatay.

 

vuukle comment

BARANGAY SINUDA

DAVAO CITY

GERMAN HOSPITAL

JANUS AGUDA

KITAOTAO

MOUNTAIN VIEW COLLEGE

RENARIA JIDONIA

RUTH RUBINA

SENIOR INSPECTOR EVARY BACUNAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with