^

Probinsiya

Drug courier dakma sa P12-M shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng 19-anyos na drug courier makaraang arestuhin ng mga tauhan ng PNP at Phil. Drug Enforcement Agency dahil sa pagdadala ng P12 milyong halaga ng shabu mula sa isang mall sa Iligan City, Lanao del Norte kamakalawa.

Sa ulat ni Iligan City PNP director P/Senior Supt. Gerardo Rosales, bandang alas-6 ng gabi nang dak­main ng mga operatiba ang suspek na si Ashlea Sambitori sa loob mismo ng Gaisano Mall sa nasabing lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad kaugnay sa isang package na nag­lalaman ng shabu mula sa Maynila kung saan kukunin ng suspek.

Kaagad na inilatag ang operasyon ng mga operatiba sa nasabing mall kung saan buong araw nagmanman hanggang sa lumutang ang suspek at kunin sa outlet ng mall ang nasabing package.

Dito na hinarang ang suspek na bitbit ang pakete ng droga  na nakabalot pa ng itim na plastic at carbon paper.

Lumilitaw na si Sambitori ang consignee ng pac­kage kung saan nagmula pa ito sa bayan ng Orani, Bataan at dinala sa Maynila na patungong Iligan City.

vuukle comment

ASHLEA SAMBITORI

DITO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GAISANO MALL

GERARDO ROSALES

ILIGAN CITY

KAAGAD

MAYNILA

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with