Kooperatiba hinoldap

BULACAN, Philippines – Muli na namang naghasik ng krimen ang mga armadong lalaki na lulan ng dalawang motorsiklo makaraang holdapin ang Malolos Credit Cooperative sa Barangay San Vicente, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Ayon kay PO3 Jeffren Carrasco, hindi na nakapalag ang mga biktimang sina Lelievie Pascual at Jeffrey Cuento matapos tutukan ng limang maskaradong kalalakihan na pumasok sa nasabing kooperatiba. Malaya naman tumakas ang mga holdaper na lulan ng dalawang motorsiklo at tangay ang malaking halaga.

Show comments