^

Probinsiya

Dalaga tumalon sa tricycle, todas

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LOPEZ, Quezon, Philippines – Isang 18-anyos na dalaga ang nasawi matapos na mabagok ang kanyang ulo sa kalye nang matakot siya at tumalon sa sinasakyang tricyle na humaharurot sa takbo kamaka-lawa sa Brgy. San Francisco, bayang ito.

Internal hemmorage ang tinitingnang dahilan ng mga manggagamot na sanhi ng pagkamatay ng biktimang si Evelyn Comia.

Ayon sa pulisya, dakong alas-3:20 ng hapon ay sakay ang biktima ng isang tricycle na minamaneho ni Rene Nedia, 28 at kasama ang kaibigang si Joan Morillo.

Nag-overtake umano ang sinasakyang tricycle ng biktima sa dalawang nauunang tricycle at dahil sa takot nito sa pagiging kaskasero ng driver ay tumalon siya subalit una ang ulong bumagsak sa sementadong kalye.

Mabilis na dinala ng mga saksi sa Magsaysay District Hospital ang biktima subalit dahil sa malalang kondisyon ay inilipat sa Lucena City na may layong 70 kilometro. Gayunman, sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga ang biktima.

Nakapiit na ngayon sa piitang bayan ang driver ng tricycle at sinampahan ng kaukulang kaso.

 

 

vuukle comment

AYON

BRGY

EVELYN COMIA

GAYUNMAN

ISANG

JOAN MORILLO

LUCENA CITY

MAGSAYSAY DISTRICT HOSPITAL

RENE NEDIA

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with