Matansero inutas sa droga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang  onsehan sa bentahan ng bawal na droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 29-anyos na matansero ng riding-in-tandem gunmen sa bahagi ng Sitio Katuday, Barangay Bantug sa bayan ng Roxas, Isabela kamakalawa. Kinilala ni PO3 Antonio Sabado, ang napaslang na si Lorenzo Santor ng Barangay Nuesa sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang biktimang lulan ng traysikel nang harangin at ratratin sa gitna ng kalsada. Hindi naman idinamay ang trike driver na si Jomar Taban. Narekober sa bulsa ni Santor ang isang plastic sachet ng shabu habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments