^

Probinsiya

Bahay ng mayor pinasabugan

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Niyanig ng malakas na pagsabog ng bomba ang compound ng tahanan ni Isabela City Mayor Cherrylyn Santos-Akbar ng lungsod sa lalawigan ng Basilan nitong Sabado ng madaling araw.

 Ayon kay Basilan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Mario Dapilloza, naganap ang insidente sa tabi ng highway sa Brgy. Sunrise, Isabela City dakong alas-2 ng madaling-araw.

Nabatid na kasalukuyang mahimbing na natutulog ang pamilya ng alkalde nang biglang sumabog ang bomba  na isang Improvised Explosive Device (IED).

Sinabi ni Dapilloza na wala namang naiulat na nasugatan sa insidente bagaman lumikha ng dalawang talampakang hukay sa tabi ng bakod ng tahanan ng alkalde ang pagsabog.

Samantalang nagtamo rin ng pinsala ang ilang bahagi ng konkretong bakod sa bahay ni Mayor Akbar dahil sa lakas ng pagsabog.

Sa pagresponde sa lugar ng pinagsanib na elemento ng  pulisya at mga sundalo  ay isa pang bomba na isa namang 81mm mortar ang narekober malapit sa videoke house ilang metro rin ang layo mula sa naunang pagsabog.

vuukle comment

AYON

BASILAN

BASILAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

DIRECTOR P

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

ISABELA CITY

ISABELA CITY MAYOR CHERRYLYN SANTOS-AKBAR

MARIO DAPILLOZA

MAYOR AKBAR

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with