Mag-ina dedo sa pamamaril

RIZAL, Philippines – Pinabulagta ang mag-ina matapos mapagtripang pagbabarlin ng isang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga sa Barangay Dela Paz, Cogeo sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mag-ina na sina Leticia Astejada, 66; at Pedro Astejada, 25, kapwa nakatira sa Purok Silangan sa nabanggit na barangay. Samantala, malubha naman ang misis ni Pedro na si Cecille, 23, kung saan naisugod sa Amang Rodriguez Medical Center. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas Jack na sinasabing adik. Nabatid na magkakasama sa bahay ang mga biktima nang pasukin at pagbabarilin.

Show comments