^

Probinsiya

Tsinoy trader dedo sa holdaper

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napatay ang 40-anyos na Tsinoy tra­der makaraang pagbabarilin ng isa sa tatlong holdaper sa Brgy. San Vicente, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon. Namatay habang ginagamot sa Rogasciano M. Mendoza Memorial General Hospital ang biktimang si Mou Biao Chen, alyas Willy Tan ng Brgy. Buenavista habang nakaligtas naman si Joey Lu, 27, stay-in manager ng Green Apple Const. and Hardware Supply sa nasa­bing barangay. Sa pagsisiyasat ni SPO1 Jerry Villamor, nagpanggap ang tatlo na may bibilhing gamit sa contruction supply na pag-aari ng biktima kung saan nagdeklara ng holdap bandang alas-1:30 ng hapon. Gayon pa man, habang nililimas ng tatlo ang malaking halaga na nakalagay sa drawer ay nagtatakbo ang biktima palabas ng gusali. Dito na pinagbabaril ang biktima habang nakapagtago naman si Lu sa ilalim ng mesa. Nakatakas ang tatlo lulan ng motorsiklo kung saan tangay ang P40,000 cash.

 

vuukle comment

BRGY

GREEN APPLE CONST

HARDWARE SUPPLY

JERRY VILLAMOR

JOEY LU

MENDOZA MEMORIAL GENERAL HOSPITAL

MOU BIAO CHEN

ROGASCIANO M

SAN VICENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with