^

Probinsiya

Haponesa ni-rape ng criminology student

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -Nauwi sa bangungot ang  masayang bakasyon ng isang Haponesa matapos itong  umano’y gahasain ng isang lalaking estudyante ng criminology na nagsilbing tour guide ng dayuhang turista sa naganap na insidente sa Sta Fe, Cebu kamakalawa.

 Sa ulat ng Cebu Police, ang 27 anyos na biktima na itinago sa pangalang Maiko ay personal na dumulog sa pulisya na nag­resulta sa pagkakahuli sa suspek na kinilalang si Loreto Espinosa.

 Sa salaysay ni Maiko, naganap ang panghahalay sa kaniya  bandang alas-2 ng hapon sa ‘mangrove area’ sa Brgy. Okoy, Sta Fe, Cebu. 

Ayon kay Maiko , sakay umano siya ng bisikleta patungo sa Nature’s Park sa Bantayan, Sta Fe, Cebu nang aksidenteng mabunggo siya ng suspect na matapos na magpakilala, nakipagkaibigan  at nangako sa biktima na sasamahan siya sa pagtungo sa mga ‘tourist spot’ sa lalawigan.

 Dahilan sa bagong salta sa lugar ay tinanggap naman ng biktima ang alok ng suspek pero sa halip na samahan siya nito sa park ay dinala sa ‘mangrove area’ o sa mga puno ng bakawan sa may tabing dagat kung saan siya nito hinalay. Sa pre­sinto, itinanggi ng suspek na hinalay niya ang Haponesa pero positibo itong kinilala ng biktima.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CEBU

CEBU POLICE

DAHILAN

HAPONESA

LORETO ESPINOSA

MAIKO

STA FE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with