4 sugatan sa ambush
BATANGAS, Philippines – Apat katao kabilang ang dalawang brgy. chairman, isang konsehal at isang sibilyan ang nasugatan matapos tambaÂngan ng riding in tandem sa Nasugbu, Batangas kamakaÂlawa ng hapon.
Kinilala ni Supt Renato Mercado, hepe ng Nasugbu Police ang mga biktimang sina Marlon Limbog, Chairman ng Brgy Papaya at Chairman Magno Cabasis ng Brgy Butucan; pawang sa bayang ito.
Sugatan din si Brgy. Konsehal Maria Socorro Yumong at pamangkin nitong si Priscila Benavides matapos na magtamo ng mga tama ng baril sa katawan.
Ayon sa opisyal , sakay ng isang L200 pick up na may plakang TTG-225 ang mga biktima at papauwi na matapos dumalo ng Unity Walk for Peace Covenant nang tambangan at pagbabarilin sa may JP Laurel St. Bgy 9, Nasugbu ,Batangas bandang alas-5:45 ng hapon
Isinugod sa Dela Salle Hospital sa Dasmariñas, CaÂvite ang mga biktima para malapatan ng lunas. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng pananambang.
- Latest

















