^

Probinsiya

Pulis na gun-for-hire, tiklo

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

KAMPO ALEJO SANTOS, Malolos City, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 31-anyos na pulis na sinasabing gun-for-hire matapos arestuhin ng kanyang kabaro sa isinagawang entrapment operation sa Barangay Sta. Clara sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si PO1 Jun Caraan ng Barangay Tambubong, Bocaue, Bulacan at nakatalaga sa San Jose Del Monte City PNP.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Richard Caballero ng CIDT-Bulacan, inireklamo ng biktimang si Cecilia Marcelo ang suspek dahil sa tangkang pagpatay sa kanya.

Napag-alamang inutusan ng isang opisyal ng barangay ang suspek para itumba si Marcelo pero nabigo ito matapos hindi pumutok ang baril na ga­gamitin.

Dito na nagpasaklolo sa pulisya ang biktima kung saan inilatag ang entrapment operation laban sa suspek.

Inamin naman ng suspek na babayaran siya sa malaking halaga kapag naisagawa ang pagpatay. Hindi naman natuloy bagkus ay kinikilan ng malaking halaga ng suspek ang biktima na kaya ito nasakote sa sinagawang operasyon.

vuukle comment

BARANGAY STA

BARANGAY TAMBUBONG

BOCAUE

BULACAN

CECILIA MARCELO

CHIEF INSP

JUN CARAAN

RICHARD CABALLERO

SAN JOSE DEL MONTE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with